Nakaumang na ang Sorsogon Provincial Government sa pagresponde sa posibleng maging sitwasyon hinggil sa pagbabago ng aktibidad ng Bulkang Bulusan.
Tiniyak ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang sapat na pondo sakaling kailanganing ilikas ang mga residente.
Sinabi ni Escudero na nakalatag na ang kanilang mga plano hinggil sa bulusan response sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Naghanda na aniya sila ng pondo para hindi sila mangapa kapag sumambulat ang Bulkang Bulusan.