Namimigay na ng mga facemask ang Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Council o PDRRMC bilang paghahanda sa nakaambang pagsabog ng bulkang Bulusan.
Kasunod ito ng naganap na phreatic explosion kahapon. Tanging ang bayan lamang ng Juban partikular ang barangay Puting Sapa na nakapaloob sa 4 kilometer permanent danger zone ang apektado.
Ayon kay Raden Dimaano, hepe ng Sorsogon PDRRMC maliban sa mga facemask inirerekomenda din nilang gamitin ng mga residente ang basang towel na ipinamamahagi nila para gawing pananggalang sa ilong laban sa ash fall sakaling sumabog ang bulkan.
“We still recommend pero yun pa rin ang ibinibigay namin so we have a back-up ng small towel, and we have already dispatched siguro mga 6,000 kasi in 6 boxes, 1,000 ang laman ng isang box.” Ani Dimaano.
Ipinaliwanag din ni Dimaano na hindi katulad ng Mayon Volcano ang Bulusan kaya hindi dapat mag-panic ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkan dahil phreatic ito na mas maraming abong maaaring ibuga at hindi magmatic.
“Ang Bulusan volcano, it’s always phreatic explosion at hindi po magmatic, baka kasi iniisip na parang parehas yan ng Mayon Volcano, yung ibinubuga niya po ay abo, malaki yung volume at malakas yung sabog.” Pahayag ni Dimaano.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita