Kuwestyonable para kay Senator Tito Sotto ang ipinagmamalaki ni Sen. Alan Cayetano na mayroon nang 15 senador na nagpahayag ng suporta sa kanyang senate presidency.
Ayon kay Sotto, ito ay dahil halos pareho lang ang bilang ng mga senador na nauna nang nagbigay ng commitment sa kanya.
Una nang umugong na maaaring siya ang suportahan ng mga Liberal Party at independent senators para maging susunod na senate president, upang matiyak ang pagiging independent ng senado.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)