Hinamon ni Senate President Vicente Sotto III ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na pangalanan ang mga opisyal na iniuugnay nito sa kurapsyon sa Department of Public Works And Highways (DPWH).
Ayon kay Sotto, dapat ilabas ng PACC ang pangalan ng mga sinasabi nitong contractor, congressman, senador at miyembro na gabinete na sangkot umano sa katiwalian sa DPWH.
Aniya, kinakailangang patunayan din ng PACC ang kanilang mga alegasyon lalu na’t maituturing na suspek ang lahat.
Dagdag ni Sotto, hindi rin aniya matitigil ang kurasyon sa loob ng DPWH kung hindi mailalantad ang mga sangkot dito.
Sinasabi nga diyan, kailangan ilabas natin dahil papaano matitigil diyan. Sino sa public works ang gumagawa niyan, sinu-sino sa kanila. Anong ebidensya na ginawa nila ‘yan. Iyan ang importante para matigil once for all. Kasi minsan nangyayari sa ilalim ng ilong natin. Nasasabi lang ‘iyan kasi naghihimutok lang tayo so ‘yung may ebidensiya ilabas para maging maganda at imbestigahan natin nang dapat imbestigahan. ani Sotto
Samantala, tiwala si Sotto na walang kahit isa sa kanyang kasamahang 23 senador ang sangkot sa katiwalian sa DPWH.
Department of Justice ‘yan napakapangit naman ang Senado ang mag-imbestiga sa Kongreso at Kongreso ang mag-imbestiga sa Senado. Kung gagawin namin hindi kami nag-iimbestiga gagawa kami ng inquiry and a lead of legislation. Anong legislation ang pwedeng gawin para hindi na mangyari ‘iyan? Pero kung Blue Ribbon ang gagawa niyan tapos congressmen ang papatawag ko mayroong tinatawag parliament courtesy. Kaya pinakamaganda diyan DOJ walang akong nakikita sa 23 senador na katulad sa binibintang naririnig ko o nakikita ko sa dyaryo ngayon. ani Sotto sa panayam ng DWIZ