Iginiit ni Senador Tito Sotto na nais ng European Union o EU na gawing ligal sa Pilipinas ang mga ipinagbabawal na gamot bilang tugon sa malalang problema sa iligal na droga sa bansa.
Sa kabila ito ng pagtanggi ng European Union na iminungkahi nitong gumamit ng droga upang gamuting ang pagkagumon sa shabu.
Sinabi ni Sotto na ang panig lamang ng namamatay na drug suspects ang binibigyang pansin ng European Union at hindi nakikita ang epekto ng iligal na droga sa libu-libong Pilipino.
Patuloy ang pambabatikos ng European Union sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga kaya pinuna rin ng Pangulo ang naturang grupo.
Sotto nanindigang makakayanan ng PH kung sakaling bawiin ng EU ang tulong pinansyal
Nanindigan si Senador Tito Sotto na makakayanan ng Pilipinas kung sakaling bawiin ng European Union ang mga pinansyal na tulong nito sa bansa.
Makukuha, aniya, ng Pilipinas sa ibang paraan ang mga pangangailangan nito.
Sa katunayan, sinabi ni Sotto na dinoble ng China ang pinaaangkat ng Pilipinas na mga saging at mangga.
Sinabi rin ni Sotto na mas maiging hindi na hihigipitan ng China ang Philippine export taliwas sa mga pagbabanta ng European Union.
Una nang sinabi ng European Parliament na kung hindi bubuti ang lagay ng Pilipinas sa usapin ng extrajudicial killings kaugnay sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga, posibleng pagbayarin nang malaking halaga ang Pilipinas para sa mga produktong ine-export sa European Union.
By Avee Devierte