Hindi kumbinsido si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa impresyon na nagbabadya na naman ang martial law dahil sa implementasyon ng ‘anti-tambay campaign’ o paghuli sa mga lumalabag sa mga ordinansa.
Ayon kay Sotto, malabong maranasan muli ang batas militar sa bansa lalo’t masyadong aktibo ang mainstream media at social media hindi tulad noong dekada sitenta.
Kung martial law ang pag-uusapan edi wala na sana ‘yang mga Facebook at social media, malayong malayo ‘yang martial rule, buhay na buhay ang Kongreso eh. Pahayag ni Sotto
Hindi naman aniya lahat ng mamamayan ay target ng ‘anti-crime campaign’ ng Philippine National Police kundi mga tambay na maaaring gumawa ng krimen.
Yung mga city ordinance, kung gusto nila, i-suspend nila. Itong national directive, directive lang ito para ipatupad ang mga local ordinance. Dagdag ni Sotto