Kinontra ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga isinasagawang pagdinig ng kongreso.
Ayon kay Sotto, padadalhan niya ng senate report ng pagdinig ng committee of the whole ang Pangulong Duterte para ipakita ritong karamihan sa mga itinalaga nitong opisyal sa PhilHealth ay nahaharap sa mga kaso at nasibak dahil sa imbestigasyon ng senado.
Binigyang diin ni Sotto na sa pagkakaalam niya, dumi depende ang ombudsman sa senate investigations at reports para sa kanilang preliminary investigations.
Magugunitang sa kalagitnaan ng pandemya nuong isang taon ay ikinasa ng senado ang serye ng imbestigasyon nito kaugnay sa mga isyung kinasasangkutan ng PhilHealth.