Tatlong senador ang naghain ng panukala para mapawalang-bisa ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) law na nagpapaikli ng sentensya ng mga bilanggo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng magandang asal.
Ito’y sa gitna ng pag-alsa ng publiko sa napipinto sanang paglaya ng convicted rapist at killer na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.
Inihain ang naturang panukala nina Senate President Vicente Sotto III, Panfilo Lacson at Richard Gordon.
LOOK: Sotto, Lacson, Gordon file bill repealing GCTA law
| via @OBueno pic.twitter.com/HJxxzPZVHZ— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 3, 2019
Magugunitang sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na tinatayang nasa 11,000 bilanggo ang posibleng maging benepisyaryo ng GCTA law.