Labis na nadismaya si Senate President Vicente Tito Sotto III sa nag-viral na video sa social media ukol sa nangyaring pekeng pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay Sotto matapos silang makatanggap ng ilang reklamo na pinapalitan lamang umano ng tubig ang bakuna o di kaya’y hindi dinidiinan ang heringgilya.
Ayon kay Sotto, pinatutunayan lamang nito na talamak pa rin ang bentahan ng bakuna kung saan, itinuturok sa mga nagbabayad ang mga tunay na bakuna.
Dahil dito, pinaki-usapan ni Sotto ang anak na si Quezon City Vice Mayor Gian Carlo Sotto na silipin at imbestigahan ang mga naturang sumbong.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)