Pabor si Senate President Vicente Sotto III na ipatawag sa isang pagdinig sa Senado ang commander ng Presidential Security Group (PSG) na si Brigadier General Jesus Durante III.
Kaugnay ito ng naunang pagpapabakuna ng ilang miyembro ng PSG gamit ang hindi awtorisadong COVID-19 vaccine.
Gayunman, sinabi ni Sotto na nais niyang magkaroon ito ng hiwalay na pagdinig at hindi isabay sa nakatakdang hearing ng senado sa Enero 11, kaugnay sa plano ng pamahalaan sa paglulunsad ng COVID-19 vaccination program sa bansa.
Ayon kay Sotto, hindi kabilang ang usapin sa maagang pagpapabakuna ng PSG sa kanilang natalakay na magiging agenda ng pagdinig sa Enero 11.
Partikular aniyang tututukan sa senate hearing ang isyu kung paano bibili, paraang ng pag-iimbak o pagtabi sa bakuna at paggugol sa nakalaang P72.5-B na pondo para sa dito.
Merong gustong gumamit, umuwi dito may dala-dala siyang immunization na vial gusto niyang gamitin sa sarili niya o gusto niya ipagamit sa kaibigan niya may batas ba tungkol doon? Wala diba, o gusto mo inumin ito may batas ba doon? Wala. Kung gusto mo uminom ng lason may batas ba doon? Wala. So, ibang usapin ‘yan hindi sakop sa kasalukuyan na gustong talakayin with this, papaano yung gagawin ng gobyerno dito sa procurement at distribution ng immunization na ating ini-import ‘yon ang issue ng committee of the whole kung gusto nilang magpasok ng iba siguro during the hearing, ipasok nila, pwede namang ibang committee ang mag-handle n’un,” ani Sotto.