Napanatili ni Senador Tito Sotto III ang pamamayagpag sa pinakabagong senatorial survey ng Social Weather Stations o SWS.
Umaabot sa 53 percent ang nakuha ni Sotto, mas mataas ng isang porsyento kumpara sa 52 percent na nasungkit nito noong Pebrero.
Pumangalawa naman si dating Senador Ping Lacson (49 percent) at pangatlo si Senate President Franklin Drilon (44 percent).
Tabla naman sa ika-apat na puwesto sina Senador Ralph Recto, at dating senador at food security presidential assistant Kiko Pangilinan na nakapagbulsa ng 43 percent.
Sinundan ito nina dating Senador Juan Miguel Zubiri na nakapagtala ng 41 percent, Sarangani Rep. Manny Pacquiao (38 percent), at Senador Serge Osmeña (34 percent).
Kapwa rin nakakuha ng 34 percent sina dating Senador Richard Gordon at dating Justice Secretary Leila de Lima.
Ang iba pang kandidato na pasok sa top 14 ay sina dating Congresswoman Risa Hontiveros, 30 percent; Senador TG Guingona, 26 percent; dating TESDA Director General Joel Villanueva, 24 percent; at dating MMDA Chairman Francis Tolentino, 23 percent.
By Meann Tanbio