Nagbabala ang medical experts na sa posibleng pag spike ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung tatanggalin ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ayon kay Senate President Tito Sotto ang paniniwala ng mga health experts na kasama sa pulong nila kay Pangulong Rodrigo Duterte para pag usapan ang susunod na hakbang pagkatapos ng ECQ sa April 30.
Gayunman, marami rin anya sa health experts ang nagrerekomenda ng modified lockdown extention lalo na sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni Sotto na pinapaboran nya ang modified lockdown dahil marami namang mga lugar ang hindi masyadong apektado at kontrolado ang COVID-19.
Dapat anyang palawigin ang ECQ sa NCR subalit kelangan ring lagyan ito ng konting modification.