Planong kuwestyonin ng Senado sa Korte Suprema ang pagkansela ng sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika nang walang pahintulot mula sa Senado.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto lll, lumabas sa pag aaral ng Senado na dapat dumaan sa concurrence ng Senado ang pag atras ng bansa sa isang tratado, ayon na rin sa rules ng Senado at sa Konstitusyon.
Sinabi ni Sotto na maaari silang mag hain ng petition for mandamus at petition for certiorari sa Korte Suprema.
Gayunman, sinabi ni Sotto na ang paghahain nila ng petisyon ay depende sa dami ng senador na gustong sumama.
Sa ngayon ang mga nagpahayag na ng interes na sumama sa petisyon ay sina Sotto, senador Richard Gordon, Panfilo Lacson, at Franklin Drilon —ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19).