Kung kayang ipatupad sa postpaid ang pagpaparehisto ng mga subscriber dapat din itong ipatupad sa prepaid.
Ito ang iginiit sa DWIZ ni Senator Tito Sotto kaugnay ng itinutulak na mandatory registration ng subscriber identity module o SIM card upang makatulong sa mga otoridad sa pagtugis sa mga kriminal.
Sa ilalim ng naturang bill, oobligahin ang mga bibili ng prepaid SIM cards na magpresenta ng valid identification na may litrato bago sila makabili mula sa direct seller.
Giit ni Sotto, halos lahat ng mga Senador ay pabor na sa nasabing proposed bill na magdidikta ng pagpaparehistro ng mga prepaid SIM card.
“Mate-trace nila ‘yung postpaid ‘yung prepaid hindi nila mate-trace? Meron ka na bang nabalitaan o ang PNP mismo at NBI, ISAF sinasabi sa amin pati NICA, na wala pa ni isang reklamo na natatanggap sa mga scam at mga kung anu-ano na postpaid ang gamit pati sa kidnapping, laging prepaid ang gamit.” Pahayag ni Sotto.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit