Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na magkakaroon ng bagong liderato ang Senado ngayong taon.
Ayon kay Lacson, nagkaroon na ng kasunduan sina Senate President Koko Pimentel at Senate Majority Leader Tito Sotto oras na bumaba ang kasalukuyang Senate President sa pwesto dahil sa pagkandidato nito muli sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.
Pero paglilinaw ni Lacson, pagkakasunduan pa ng mayorya kung si Sotto ang papalit kay Pimentel bilang pinuno ng Senado.
Posible aniyang mangyari ang pagpapalit sa pwesto sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo o sa Oktubre, kung kailan magsusumite ng kanilang certificate of candidacy ang mga tatakbo sa pagka-senador.