Posibleng matalakay ni Senate President Vicente Sotto III ang isyu at sitwasyon sa West Philippine Sea kay Chinese Ambassador to the Philppines Huang Xilian
Ito ang inihayag ni SP Sotto makaraang isiwalat na sa imbitasyon ng isang common friend, magkakaroon sila ng informal meeting ng Chinese Ambassador sa susunod na linggo.
Ayon kay Sotto, siya na ang magkukusa na buksan ang pag uusap ukol sa West Philippine Sea at kung paano mapabubuti ang ugnayan ng Pilipinas at China .
Giit ni Sotto, kahit nag aagawan at may girian sa teritoryo, laging dapat isulong ang magandang relasyon ng dalawang bansa.
Ito ay dahil gaya ng sinabi ng Pangulo, hindi naman kakayanin ng Pilipinas na makipag-giyera sa China.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno