Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III ang patuloy na pagpapatupad ng kanyang mandato bilang pinuno ng mataas na kapulungan ng senado.
Ito ay matapos makuha ni Sotto ang ikalawang pinakamataas na approval rating mula sa mga opisyal ng pamahalaan, kasunod ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sotto, natutuwa aniyang malaman na binibigyang kilala ng mga tao ang kanyang mga pagsisikap bilang lider ng senado.
Pagtitiyak ni Sotto, patuloy siyang magsusumikap at pagtatrabaho kahit sa katulad ng kasalukuyang panahon na tila walang katiyakan.
Batay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, nakakuha si Sotto ng 84% na approval rating, 7 puntos lamang na mababa sa 91& na rating ni Pangulong Duterte.
6% naman ng mga respondents ang nagsabing hindi sila kontento sa trabaho ni Sotto habang 10% ang undecided.