Sinupalpal ni Senate President Vicente Sotto III ang naging pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na na-flatten na umano ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) curve.
Ayon kay Sotto, maaaring ang ibig sabihin ni Duque ay “fatten the curve” dahil marami aniyang tumaba.
Samantala, pinagdudahan din ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang naging pahayag ng kalihim.
Una na ring binawi ni Duque ang salitang “flatten” sa halip aniya mas mainam na gamiting salita ang “bent”.