Inilarawan ni Senate President Vicente Sotto III bilang “good choice” ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating NBI Director Dante Geirran bilang bagong PhilHealth President at CEO.
Ayon kay Sotto, may mahusay na kakayanan si Gierran sapg-iimbestiga na makatutulong sa pagtukoy ng anomalya sa ahensiya.
Maliban pa aniya ito sa malinis na record ng opisyal.
Samantala, umaasa naman si Sotto na malaki ang magagawa ni Gierran para maresolba at matigil ang korapsyon sa PhilHealth.
Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na walang anumang kinasangkutang kontrobersiya sa NBI si Gierran at naging maayos rin ang pamamalakad nito bilang direktor ng ahensiya.
Umaasa na lamang si Lacson na hindi mamamanipula si Gierran ng mga tao sa loob at labas ng PhilHealth na gumagawa ng katiwalian.
Tiwala naman si Senador Imee Marcos na magagawa ni Gierran linisin ang korapsyon sa PhilHealth dahil sa unique nitong investigative background.