“Humbled.”
Ito ang naramdaman ni Senate President Vicente Sotto III matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huli nitong State of the Nation Address (SONA) na siya’y mabuti tao.
Sa panayam ng DWIZ, tila nagbiro pa si Sotto at sinabi niyang pareho silang kwalipikado sa anumang posisyon.
Giit ni Sotto, na ikinagulat nito ang naturang pahayag ng pangulo, lalo pa at sa sona niya ito binanggit.
“Pareho kaming qualified, eh. Biro lang.
Na-ano ako siyempre, na-humble ako, kasi presidente yun, sa SONA pa niya sinabi. Kaya lang, privately…. nag-uusap kami doon sa loob, nagulat nga ako nung binanggit pa niya sa SONA, ani Sotto”
Nauna rito, ay binanggit ng pangulo na may kakayanang maging mabuting vice president si Sotto dahil batid nitong lalaban ang senate president sa pagka-vice president sa susunod na eleksyon.
Sa kabila nito, nilinaw ng palasyo na hindi ini-endorso ni Pangulong Duterte si Sotto.