Magko-convene sa isang special session ang Senado sa susunod na linggo.
Ito ang kinumpirma mismo ni Senate President Vicente Sotto III, upang mapag-usapan ang hiling pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na P1.6-B na supplemantal budget para malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Sotto, halos lahat ng Senador ang nangakong magiging “physical present” sa special session sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sinabi ni Sotto, posibleng ganapin ang special session sa lunes pero kanyang susubukang mapaaga ito at gawin sa sabado para makahabol sa target ng pangulo na maipalabas ang pondo sa susunod na miyerkules.