Tinabla ni Senate President Tito Sotto ang kahilingan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na i-decriminalize na ng Kongreso ang libel.
Ayon kay Sotto, hindi madali ang kahilingang ito ni Locsin.
Binanggit ni Sotto sa kanyang tweet na bagamat ang kanyang lolo na si Senador Vicente Sotto Sr. ang may akda ng 1946 press freedom law kasama naman sa ten commandents ang kautusan na bawal ang magsinungaling.
Matatandaan na nag tweet ng bible verse tungkol sa pagsisinungaling si Sotto matapos ma convict sa cyberlibel si Rapper CEO Maria Ressa.