Nagkausap na kagabi sina Senate President Vicente Tito Sotto III at bagong House Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Sotto na tinawagan siya ni Velasco at nagkasundo silang magpulong para tutukan ang mga panukalang batas na kanilang gagawing prayoridad.
Nangako aniya si Velasco na ipapasa nila sa ikatlo at huling pagbasa ang 2021 national budget hanggang sa Biyernes —huling araw ng special session na ipinatawag ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sotto, pagkatapos ipasa ng kamara ang budget ay kaagad silang magpupulong ni Velasco.
Kasabay nito, ipinabatid ni Sotto na binati niya si Velasco sa pagkakaluklok nito bilang pinuno ng kamara.
I said, congratulations, God bless and good luck!” ani Sotto.
Binigyang diin ni Sotto na umaasa siyang magiging maganda ang working relation ng senado at ni Velasco tulad nang nangyari sa mga nakalipas na liderato ng Mababang Kapulungan.
I hope so. We had good relationships with the past leadership,” ani Sotto. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)