Hinihintay pa ng Senate Committee on Ethics ang pormal na reklamo laban kina Senator Antonio Trillanes at Leila de Lima.
Ito ay kaugnay sa planong pagpapatalsik sa dalawang senador, kasunod ng mainit na debate sa pagdinig sa extrajudicial killings.
Sinabi ni Sotto na kapag natalakay na sa komite ang pormal na sumbong, pagbobotohan pa ng Senado ang mapipiling parusa sa mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Senator Tito Sotto
Kung susuriin ang mga nangyari sa pagdinig, sinabi ni Sotto na mabigat ang hindi pagdedetalye ni Edgar Matobato sa kanyang kinakaharap na kasong kidnap for ransom at ang pagpapaalis dito ni Trillanes.
Bahagi ng pahayag ni Senator Tito Sotto
By Katrina Valle | Ratsada Balita