Tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista na kanilang gagawin ang lahat upang maiangat ang tiwala ng mga botante sa halalan.
Ayon kay Bautista, kasama dito ang pag-rereview sa security features ng PCOS machines, at gayundin sa source code na gagamitin dito.
Kumpiyansa din si Bautista na mas matutugunan ang mga problema hinggil sa seguridad ng boto kung marami ang magmamatyag dito.
“’Yung for example ay yung sa source code, eh dapat naman talaga ipa-review ‘yun, ang di ko po maintindihan bakit ang tagal bago ma-review, ngayon sisikapin po natin na ma-review kaagad ang source code.” Ani Bautista.
Eleksyon sa Malls
Naniniwala si COMELEC Chairman Andy Bautista na malaki ang buting maidudulot ng paglilipat ng ilang presinto sa mga mall.
Ayon kay Bautista, bukod sa maaaring mas madami ang mga botante na mahikayat na bumoto, maaari na din maiwasan ang karahasan sa araw ng eleksyon.
Sa kabila nito, nilinaw ni Bautista na kailangan pa nilang makausap ang mga may-ari ng malls kung papayag ang mga ito.
“Sa aming palagay eh talagang magpapaligaya sa maraming mga botante kapag nalipat natin ang ibang presinto sa ating mga mall, sa aming palagay mas kokonti ang vote buying sa mall kasi magkakahiyaan eh.” Pahayag ni Bautista.
By Katrina Valle | Karambola