Walang silbi ang pagrereview ng source code na gagamitin sa 2016 elections kung limitado lamang sa read only copy ang isasalang dito.
Iginiit ni dating Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Gus Lagman na ang pagsusuri ng source code ay nakabatay sa kung mapapaandar ito at hindi sa pagbabasa ng kada linya nito.
Lubos lang aniyang masusuri ang source code, kung sa kabila ng iba’t ibang operasyon ay parehas pa din ang resultang lalabas dito.
“’Yung una kong nabasa noon read only version lang ang ipapakita, kapag nagte-test ka ng source code kailangan mapaandar mo kung hindi aabutin ka ng siyam-siyam sa pagre-review.” Pahayag ni Lagman.
By Katrina Valle | Karambola