Hiniling ng House Committee on Good Government and Public Accountability na alamin ang source ng P 50 Million bank account ng gambling tycoon na si Jack Lam.
Ayon kay cong. Johnny Pimentel, chairman ng komite, dapat alamin ng AMLC o Anti-Money laundering council ang bagay na ito.
Sinabi ni Pimentel na kung ito man ay uri ng bribe o extortion, dapat malaman kung saan nanggaling ang pera at kung sino ang nag-transfer ng pera sa bangko para malaman kung may pagbalag sa AMLC Law.
By: Meann Tanbio / Jill Resontoc