Tumanggi si Senador Panfilo Lacson na isiwalat ang kaniyang source hinggil sa umano’y isiningit na pork barrel sa panukalang 2020 national budget.
Tugon ito ni Lacson matapos himukin nina House Majority Leader Martin Romualdez at Congressman Fredenil Castro na ilantad ang identity ng kaniyang source sa kaniyang akusasyon laban sa mga Kongresista.
Binigyang diin ni Lacson na hindi siya hihingi ng tawad dahil binabantayan lamang niya ang pondo ng bansa.
Ang dapat aniyang mag-sorry ay ang mga Kongresista na walang tigil at walang kahihiyan sa pag-abuso sa pondo.
Magugunitang ibinunyag ni Lacson ang tig 1.5 billion pesos na pork barrel ng bawat isa sa 22 Deputy Speakers ng Kamara sa 2020 national budget. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)