Ibinunyag ng Malakanyang na nagbabalak na rin ang South Africa na kumalas sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, muling tatangkain ng South Africa na kumalas sa nasabing international body matapos na hindi matuloy ang plano nitong pag – alis nuong October 2016.
Patunay aniya ito na hindi nag-iisa ang Pilipinas sa naising pag-alis sa ICC na una nang tinawag ni Pangulong Duterte na isang bastos na korte.
Kasabay nito, nagpasalamat ang Malacañang sa Russian Government sa ipinakita nitong suporta sa desisyon ni Pangulong Duterte na kumalas na sa Rome Statute
Sa huli, nanindigan si Roque na hindi na makikipagtulungan ang Pilipinas sa preliminary examination ng ICC sa war on drugs ng administrasyon.
-Jopel Pelenio