Wagi ang pambato ng South Africa na si Demi-Leigh Nel-Peters sa 2017 Miss Universe Finals na ginanap sa Las Vegas.
Tinapos ng 22-taong gulang na business management graduate ang halos apat na dekadang paghihintay ng kanyang bansa na muling maiuwi ang korona.
Congratulations to Demi-Leigh Nel-Peters, the winner of the 2017 #MissUniverse competition! pic.twitter.com/JYuQYc3Lvo
— Miss Universe (@MissUniverse) November 27, 2017
Huling nanalo sa Miss Universe ang South Africa noong 1978.
First runner up naman si Laura Gonzalez ng Colombia at second runner up si Davina Bennett ng Jamaica.
Narito ang winning answer ni Miss South Africa sa tanong na:
“What quality in yourself are you most proud of and how will you apply that quality to your time as Miss Universe?”
Relive our new #MissUniverse‘s answer to the Final Word. pic.twitter.com/czO8vgSiuU
— Miss Universe (@MissUniverse) November 27, 2017
Samantala, ang pambato naman ng Pilipinas na si Rachel Peters ay nakapasok sa Top 10 at evening gown competition ngunit bigo nang magpatuloy matapos na hindi mapabilang sa Final 5.
Marami mang Pinoy ang nalungkot, ngunit hanga pa rin sa naging performance ni Rachel.
—-