Posibleng ipagbili ng South Africa ang mga bakuna nito na gawa ng Astrazeneca and Oxford University ayon kay Health Minister Zweli Mkhize.
Ito ay kasunod ng datos na nagpapakita na maliit lamang ang proteksyong naibibigay ng naturang bakuna laban sa mild at moderate na kaso ng South Africa COVID-19 variant o 501Y.V2 na laganap doon.
Ayon kay Mkhize, hihintayin muna nila ang payo ng mga siyentipiko bago ipagbili o ipagpalit ang Astrazeneca.
Samantala, tinitingnan ng naturang bansa na kapalit ng Astrazeneca ay bakunang gawa ng Johnson & Johnson.
Hindi naman nagbigay ng komento ang Serum Institute at AstraZeneca kaugnay sa planong ito ng South Africa.—sa panulat ni Agustina Nolasco