Handang tumulong sa Pilipinas ang South Africa para maghanap ng karagdagang suplay ng langis.
Sinabi ito ni Ambassador Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe matapos ang pulong kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. kahapon.
Ayon sa ambassador, mayroon nang commitment ang Pilipinas sa Angola para sa suplay ng langis.
Hiwalay pa ito sa nagpapatuloy na oil exploration sa Nambia.
Ang South Africa ang isa sa pinakamalaking supplier ng langis sa buong mundo kung saan nagsusuplay sila sa 9.6% ng langis kada taon.