Pinayagang makapaglagak ng piyansa ang kontroberysal na Paralympics gold medalist at Olympian na si Oscar Pistorius.
Kaugnay ito sa kinahaharap niyang kaso hinggil sa pagpatay sa kaniyang kasintahan sa mismong Valentine’s Day noong 2013.
Nitong nakalipas na linggo lamang, binaliktad ng South Africa Supreme Court ang conviction kay Pistorius sa kasong culpable homicide.
Ayon naman sa hukom na may hawak sa kaso na si Aubrey Ledwaba, pinatunayan lamang ni Pistorius na hindi siya fligth risk kaya’t pinayagan itong makapagpiyansa kapalit ang pansamantalang kalayaan.
By Jaymark Dagala