Nagbabala si Senior Associate Justice Antonio Carpio na baka makontrol na ng China ang buong South China Sea, kung hindi pipigilan ng Pilipinas ang umano’y plano ng Tsina na magtayo ng Radar Station sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Carpio, kapag natuloy ang konstruksyon ng radar station makukumpleto na ang radar coverage ng China sa buong South China Sea.
Dahil dito, pwede na anyang magpatupad ang China ng ADIZ o Air Defense Identification Zone sa nasabing karagatan, bagay na ginawa na nila noong 2013 sa East Sea na hindi naman kinikilala ng Japan.
Giit ni Carpio, kailangan na natin ng national debate at consensus para pag usapan kung paano uusad ang bilateral relations ng Pilipinas at China.
By Jonathan Andal