Naghahanda na ang lalawigan ng South Cotabato sa posibleng pagdami muli ng COVID-19 cases sa mga susunod na araw sa harap ng nararanasang surge ng sakit sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay South Cotabato Health Officer, Dr. Rogelio Aturdido Jr., mino-monitor na nila ang sitwasyon sa sampung bayan maging sa General Santos City dahil sa banta ng pagkalat ng COVID, lalo ng Omicron variant nito.
Naka-alerto na anya sila sa pinangangambahang surge na posibleng maranasan sa ikalawa o ikatlong linggo ng Pebrero.
Aminado si Aturdido na ikinababahala nila ang mababang vaccination rate sa lalawigan at maluwag na restriction kaya’t dumami ang mga public gatherings nitong nakalipas na holiday season.
Sa ngayon ay mayroon lamang 44 COVID-19 active cases sa lalawigan.