Makatatanggap ng mga karagdagang test kits sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas mula sa pamahalaan ng South Korea at China.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 500 test kits ang natanggap ng Pilipinas mula sa South Korea noong biyernes at inaasahang may darating pang 5,000 hanggang 10,000 ngayong linggo.
Habang una na rin aniyang nagbigay ng 2,000 test kits ang China at may 10,000 pang nakatakdang i-deliver sa miyerkules.
Kasunod nito, umaasa si Duque na mas mapapaigting nila ang pagsasagawa ng massive testing para sa COVID-19.
Naniniwala rin aniya ang Department of Health (DOH) na sa pagdating ng mga karagdagang test kits mas marami nang madedect na positibo pero may mild na sintomas lamang COVID-19.