Hinigpitan pa ng pamahalaan ng South Korea ang mga umiiral nitong safety protocols kontra COVID-19 sa kabisera nitong Seoul at karatig na mga lugar.
Ito’y makaraang maitala ng bansa ang pinakamataas na bilang ng panibagong mga impeksyon sa loob ng mahigit limang buwan.
Kabilang sa mas mahigpit na panuntunan ay ang social distancing, pagbabawal sa mga malakihang pagtitipon o mass gatherings at ilang mga aktibidad na may kinalaman sa sports.
Paliwanag ni South Korean Prime Minister Chung Sye-kyun, nasa “critical juncture” na aniya ang kanilang bansa sa laban nito kontra COVID-19.
Samantala, sa pinakahuling datos kasi, nakapagtala ang South Korea ng 166 na bagong kaso ng virus, na itinuturing na record-high mula pa noong Marso.