Idinipensa ng South Korea ang pagpataw ng sanctions ng United Nations sa North Korea.
Sa kanyang pahayag sa UN Conference on Disarmament sa Switzerland, sinabi ni South Korean Foreign Minister Kang Kyung–Wha ang nasabing sanctions sa NoKor ay para lamang mapigil ang nuclear program nito at hindi para ito’y pabagsakin.
Iginiit naman ni North Korean Ambassador Han Tae Song, na hindi nila itinuturing na banta sa kanila ang sanctions at ito ay walang kuwenta.
Pinayuhan din ni Song, si US President Donald Trump na tigilan na ang paglaganap ng tensiyon sa Korean Peninsula.
—-