Laglag na sa kampanya para sa 2023 Fiba World Cup ang koponan ng South Korea.
Ito ay matapos tuluyang idiskwalipika ng pamunuan ang South Korea sa ginanap na qualifiers dahil hindi ito lumahok sa February window na ginanap sa Smart Araneta.
Batay kasi sa Fiba 2020 official basketball rules, ididiskwalipika na sa torneo ang koponang hindi makakadalo ng dalawang sunod na laro.
Ibig sabihin, pasok na sa ikalawang round ng qualifiers ang mga bansang nasa group a kabilang ang Gilas Pilipinas na may iskor na 2-1, New Zealand na wala pang narerehistrong talo at India na may iskor na 0-3.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles