Naghahanap ng aabot sa 40 college graduates na estudyanteng Piilipino ang South Korea na nagnanais mag- masters o doctoral degree sa naturang bansa ng libre.
Ayon kay Ronel Laranjo, Presidente ng Global Korea Scholarship (GKS) Philippines Alumni Association sasagutin ng Korea’s National Institute for International Education Development (NIIED) ang matitirhan ng mga estudyante para sa mandatong 14 day isolation, swab test oras na dumating na ang mga ito South Korea bilang pagsunod sa COVID-19 protocols.
Samantala, sasagutin naman ng estudyante ang swab test dito sa bansa na requirement bago makabyahe sa labas ng Pilipinas.
Dagdag ni Laranjo, dinesenyo ang programa ng Global Korea Scholarship (GKS) upang magbigay ng oportunidad sa mga international students na makapag-aral sa pamantasan sa Korea sa graduate level degree na makapagpapatatag sa magandang relasyon at pagkakaibigan ng Korea at ng ibang mga bansang makalalahok.
Tinatayang 1,278 estudyante ang target ng South Korea na imbitahan na makapag-aral sa naturang bansa na pag-aaralin muna ng Korean language sa loob ng isang taon bago matanggap bilang kandidato sa naturang programa.
Sa mga nagnanais mag-apply, 13 ang tatangpin na aplikasyon na ipinasa mula sa Korean Embassy sa Maynila kung saan maaaring makapili sa 3 unibersidad ang mag-aaral na nais niyang pag-aralan.
Habang ang ibang aplikasyon na tatanggapin ay magmumula sa 28 university track program kung saan maaaring makapag-aaral ang estudyante sa 64 na educational institutions na accredited ng programa.
Para sa ibang detalye at katanungan maaaring kontakin ang ph_visa@mofa.go.kr. o bisitahin ang link na ito para sa requirements at application form http://bit.ly/37UVTzb — sa panulat ni Agustina Nolasco
NOTICE ON VISA APPLICATION FOR GKS(Global Korea Scholarship) STUDENTS
Please be informed that the Ministry of Justice…
Posted by Embassy of the Republic of Korea in the Philippines on Thursday, 25 February 2021