May bago nang pangulo ang South Korea makaraang patalsikin sa pamamagitan ng impeachment ang dati nilang pangulo na si Park Geun Hye.
Wagi via landslide victory sa katatapos lamang na eleksyon si Moon Jae In na kilalang leftist human rights lawyer.
Nakakuha si Moon mula sa Democratic Party ng 41.4 percent ng boto habang ang kalaban niyang sina Hong Joon Pyo ng Conservative ay nakakuha ng 23.3 percent at si Ahn Cheol Soo ng Centrist Party ay nakakuha naman ng 21.8 percent ng mga boto.
Kabilang sa mga plataporma ni Moon ay ang muling pagsasaayos ng ugnayan sa pagitan ng South at North Korea.
By Jaymark Dagala
South Korea may bago nang Pangulo was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882