Nakatakdang muling buksan ng South Korea ang bansa nito mula sa mga turista o dayuhan sa susunod na buwan.
Ito’y matapos inanunsyo ng embahada ng South Korea sa kanilang official website na muli nitong ipagpapatuloy ang pag-iisyu ng lahat ng uri ng visa kabilang ang tourist visa simula sa unang araw ng Hunyo.
Ayon sa gobyerno ng South Korea maaari pa ring gamitin ang multiple entry visa na inisyu bago ang ika-5 ng Abril noong 2020 nang hindi na kinakailangang mag-apply muli.
Habang ang mga may short-term tourist visa o C-3-9 visa ay maaaring makapasok sa nasabing bansa at manatili doon ng hanggang 90 araw at hindi na kailangang magpasa ng submission of consent for isolation.
Ayon sa embahada, iaanunsyo nito ang kabuuang detalye para sa aplikasyon ng mga visa sa lalong madaling panahon.