Nagpasalamat si Pangulong Noynoy Aquino kay South Korean President Park Geun-Hye sa ibinigay nitong donasyon para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kabilang sa mga dinonate ng Presidente ng South Korea ang patrol combat corvette, landing craft utility at 16 na rubber boats na naglalayong mapahusay ang humanitarian assistance at disaster response capabilities ng AFP.
Sa panig naman ni Park, sinabi nito na umaasa siyang mas marami pang Korean companies ang tutulong sa AFP Modernization Program.
Kilala ang Korea bilang fourth largest shipbuilding country.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping