Nagpatupad ng travel ban ang South Korea sa ilang lugar dito sa Pilipinas.
Inabisuhan ang mga South Koreans na umiwas sa pagbisita sa katimugang bahagi ng Mindanao partikular sa Zamboanga, Sulu, Basilan at Tawi-Tawi.
Nagpatupad ng travel ban ang nasabing bansa matapos matagpuang patay ang isang South Korean national noong nakaraang buwan matapos dukutin ng Muslim militants sa Zamboanga noong Enero.
By Meann Tanbio