Sisimulan na ng South Korea ang pagbibigay ng ika-apat na dose ng bakuna sa katapusan ng Pebrero.
Ayon kay Health Minister Kwon Deok-Cheol, magsusuplay ang gobyerno ng karagdagang Home test kits para maibsan ang shortages sa gitna ng surge sa Omicron infections.
Matatandaang tumaas ang daily COVID-19 cases sa South Korea pero naagapan ito sa tulong ng booster shots upang malimitahan ang deaths at serious infections.
Sinabi ni Kwon na uunahing mabigyan ng 4th dose ng bakuna ang high-risk groups.
Sa ngayon, nasa 44.22M katao o 86.2% ng kanilang populasyon ay fully vaccinated na laban sa nakakahawang sakit. —sa panulat ni Angelica Doctolero