Inihirit ni Korean Ambassador Kim Jae-Shin kay Justice Secretary Vitaliano Aquirre ang mabilis na pagproseso ng kaso ng mga Korean National na matagal nang nakapiit sa Bicutan Taguig dahil sa iba’t-ibang kaso.
Sa courtesy call ni Ambassador Kim sa kalihim ng DOJ, natalakay ng magkabilang kampo ang kapakanan ng tinatayang nasa 90,000 South Korean Nationals na lehitimong nanatili sa bansa.
Nangako naman si Aguirre na mabibigyan ng tamang pagtrato ang mga korean na naninirahan sa bansa at sinigurong paiiralin ang Rule of Law sa mga may kinakaharap na Kaso.
Pinasalamatan naman ni Aguirre ang tulong na ipinagkaloob ng Korean Government sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda noong 2013.
Sa huli, nagkasundo ang Dalawang opisyal na patuloy pang palalakasin ang ugnayan ng Pilipinas at South Korea.
By: Meann Tanbio