Inihayag ng pamunuan ng South Korea na nagkaroon ito ng pulong sa pagitan ng kanilang counterparts sa China hinggil sa usapin ng kalakalan at pagtugon ng dalawang bansa kontra COVID-19 pandemic.
Itinuturing itong kauna-unahang pagbisita ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan ng China nang magismula ang pandemya.
Sa inilabas na pahayag ng South Korean government, nangyari ang pulong nina Chinese community party member Yang Jiechi at bagong talagang national security adviser ng South Korea na si Suh Hoon sa syudad ng Busan.
Bukod sa isyu ng COVID-19, natalakay din ang pagpapabilis ng free-trade agreement ng dalawang bansa at iba pa.