Nagpaabot na ang Korean Embassy ng 5 Million Pesos sa Philippine Red Cross bilang donasyon sa mga naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City, Lanao der Sur.
Ayon kay Philippine Red Cross Chairman and CEO at Senator Richard Gordon, napapanahon ang donasyon ng gobyerno ng South Korea lalo’t hindi pa natatapos ang kaguluhan sa naturang lungsod.
Nagpasalamat din si Gordon kay Korean Ambassador Kim Jae-Shin sa isinagawang turnover ceremony sa PRC Tower sa Mandaluyong City.
Gagamitin ang donasyon para sa paglalagay ng portalets, maayos na palikuran, malinis na inuming-tubig maging ang pagtatalaga ng mga security guard.
By: Drew Nacino
South Korean Embassy napaabot ng tulong sa Red Cross para sa Marawi was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882