Umapela ang South Korean Embassy sa gobyerno ng Pilipinas na bilisan ang pagbibigay ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang kababayan na si Jee Ick Joo.
Sa pahayag ng naturang embahada, hiniling nito na laliman pa ang imbestigasyon sa pagkamatay ng South Korean Businessman.
Apela rin ng South Korean Embassy na magpatupad ng mga hakbangin para hindi na maulit ang insidente kay Jee lalo na’t sa loob pa mismo ng Kampo Crame siya pinaslang.
Sa ganitong paraan, anila, matitiyak ng Koreano ang kanilang kaligtasan habang nasa Pilipinas.
By: Avee Devierte / Allan Francisco