Naharang ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang lalaking South Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa pag-ooperate ng mga iligal na pasugalan sa online.
Ayon kay Immigration Port Operations Chief Grifton Medina, pasakay na ng flight patungong Incheon airport ang South Korean fugitive na si Ju Minhyeok sa NAIA Terminal 1 nang mapansin na nasa interpol watchlist ito.
Sinabi ni Medina, pinayagan nilang makasakay ng kanyang flight ang wanted na South Korean pero kanila na ring inalerto agad ang mga counterpart nila sa South Korea.
Aniya, pagdating ng suspek sa Incheon, agad na itong inaresto ng Busan police.
Ang South Korean fugitive na Si Ju Minhyeok ay may standing warrant of arrest sa Busan dahil sa pag-ooperate ng ilang illegal online gambling websites na tumatanggap ng taya mula sa mga kapwa nito South Koreans.